I am Jerick Aldrin P. Ilagan, also known by a variety of nicknames: Jerick, Aldrin, Jap, Japi.
regionalist, federalist, liberal, supporter and defender of public broadcasting, reader, well-opinionated, loves good (and daring) shows, good movies, good music. fan of alternate history. pro-RH Bill. gay.

 

Mahirap magpanatili ng dalawang magkaibang blog dito sa Tumblr

Lalo na kung ang nilalaman ng isang blog ay nagpapakita ng mga paksa itinuturing na political kaysa sa iba.

Kamakailan lamang, nagpaskil ako ng aking mga saloobin sa pamamagitan ng pagsusulat sa isa ko pang blog na ang pamagat ay “Jap’s Corner”. Siempre, tulad nga ng sinabi ko, may pagka-political ang mga pinaskil ko roon, lalo na sa mga isyu na malapit sa aking puso, kagaya ng telebasura sa Pilipinas, federalismo, atbp.

Isa na sa mga aking pinaskil ay ang ika-26 na taon ng Himagasikang EDSA. Kahapon. Bilang isang mamamayan, alam ko na ipinagdiriwang ito ng ilan sa ating mga kababayan bilang “pagbabalik ng democracia sa ating bansa”. Subalit, sa aking pananaw, dito na nagsimula ang pagbagsak ng bansang ito. Inilabas ko ang sama ng aking loob sa pamamagitan ng pagsulat.

Matagal ko nang nilikha ang Jap’s Corner, pero ngayon ko lamang nagagamit ng husto. Pero ayos lang.